Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pananakit sa street vendor, panggising – Olivarez

0 198

Naging panggising sa lokal na pamahalaan ng Paranaque ang pananakit ng kanilang task force sa isang street vendor noong Enero.

Sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Sportalakan, sinabi ni Paranaque Mayor Edwin Olivarez na kanilang pinapatupad ang maximum tolerance sa kanilang siyudad at sinigurong hindi na mauulit ang naturang insidente.

“Eto po ay wake up call sa amin na hindi na dapat maulit pa sa Baclaran yung nangyari,” lahad ni Olivarez.

Nag-viral noon ang isang video kung saan makikita ang pagsipa sa mukha ng isang vendor ng mga tauhan ng Paranaque Task Force, dahil ayaw umanong ibigay ng vendor ang kanyang kariton habang nasa Baclaran.

Dahil dito’y agad na sinuspende ang limang miyembro ng task force. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.