Abante Tonite Interactive

Pananaksak ni Jiro dinetalye ng kamag-anak

1,300

Nakakulong ngayon ang dating child actor na si Jiro Manio sa Calumpang Police Station. Inaresto siya ng mga awtoridad dahil sa pananaksak niya sa isang nagngangalang Zeus Doctolero.

Nag-chat kami sa isang kamag-anak ni Jiro na si Jennifer para alamin ang dahilan ng pananaksak nito.

Ayon kay Jen, napagtripan umano kasi si Jiro ni Zeus. Pauwi na raw ito galing sa trabaho nang makasalubong nito si Zeus.

Bigla na lang daw nitong hinampas ng helmet sa ulo nang dalawang beses ang dating aktor.

Sa lakas daw ng hampas ay bumagsak si Jiro. Nu’ng nakatayo na raw ito ay lumaban ito at naglabas ng bread knife at sinaksak nga raw nito si Zeus. Kahit naman daw kasi sino ang paluin ng helmet ay lalaban.

At kaya naman daw may dalang bread knife si Jiro ay para proteksiyon nito sa mga may gustong mang-trip sa kanya. May testigo na rin daw si Jiro na siyang makakapagpatunay na talagang inunahan siyang saktan ni Zeus.

Bukas ang pahina ng Tonite sa side naman ni Zeus para sa ikalilinaw ng isyu. (Rommel Placente)