Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pananim sa 66 barangay pinutakti ng uod

0 69

ISINAILALIM sa state of calamity ang bayan ng Bayambang, Pangasinan dahil aabot sa 66 na barangay nito ang inatake ng harabas o armyworm ang mga pananim na sibuyas, ayon sa Bayambang Agricultural Office (BAO).

Ayon sa BAO, kahapon ng umaga ay naiulat na hindi na umano mapapakinabangan pa ang halos 1,500 ektaryang taniman ng sibuyas dahil sa pamiminsala ng mga pesteng uod.

Bunga ng insidente, sinabi ng BAO na gagamitin ang local government unit ng Bayambang ang calamity fund nito upang tulungan ang mahigit 1,400 na mga magsasaka na apektado ng pananasala ng harabas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matatandaang noong 2016, mahigit 500 na ektarya ng sibuyas ang inatake na rin at pininsala ng nabanggit na klase ng uod. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.