Abante Tonite Interactive

Panata sa Nazareno ‘di binitawan ni Coco

473

Nag-post ang Kapamilya Primetime King na si Coco Martin ng kanyang picture sa okasyon ng taunang piyesta ng Itim na Nazareno.

Umani ito ng napakaraming likes at marami ang pumuri sa aktor na sa kabila ng kanyang estado sa buhay, gumagawa talaga ito ng paraan para tuparin ang kanyang panata.

Sey niya sa kanyang IG account habang nananalangin sa Quiapo church:

“Walang hanggang pasasalamat po sa Poong Jesus Nazareno sa lubos na biyaya, pagmamahal at paggabay sa akin at sa aking buong pamilya. Higit pa sa aking hiniling noon ang binigay niyo sa akin ngayon. Maraming Maraming Salamat po Ama Jesus Nazareno.”

Si Coco ang isa sa mga Pinoy celebrities na masugid na deboto ng Mahal na Poon.

Aminado rin ang aktor na malaki ang ipinagbago ng kanyang buhay at karera mula nang maging deboto siya ng Traslacion. (Archie Liao)