Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panatilihing nagniningning ang liwanag ni Kristo!

0 91

Ipinagdiwang natin nitong Linggo ang ‘Epiphany’ o Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon sa lahat ng mga bansa. Turo ng Simbahan, kinakatawan ng mga Pantas tayong lahat na kumikilala kay Hesus, ang Liwanag ng Mundo.

Hindi lamang tungkol sa Tatlong Hari ang Pista ngayong araw giit ng Iglesya. Ang pokus ng Ebanghelyo (Mt. 2: 1-12) ay ang rebelasyon ng Sanggol sa sangkatauhan, ang ‘Emmanuel’ o Diyos na sumasa-atin, patunay na ‘di Siya nalalayo!

Ito ay ‘mabuting balita’ para sa tanan. Ayon sa Simbahan: “God is not distant, aloof, uncaring. He is right here with us, close to us in each moment, sharing life with us. He comes into our human condition to seek out what was lost, and to bring us back into union with himself.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Natunghayan ng sangkatauhan ang liwanag ni Kristo noong unang Pasko: “The promise of God’s saving love in Jesus is the great light which has been revealed for all peoples, for everyone. And we who have seen the light are called to arise and walk in that light,” giit ng Iglesya.

Hamon sa tanan ang pagpapanatiling nagniningning ang liwanag ni HesuKrsito: “We are to radiate that light so that others can see and come to the light themselves,” paliwanag ng Simbahan. Sa umpisa ng Bagong Taon angkop sa usisain ang ating budhi kung tayo ay patuloy na nagsilsilbing tanglaw at liwanang sa iba.

Nawa paglabanan natin ang ‘pagwawalambahala’ o kawalan ng pagpapahalaga sa mga pahayag ng Panginoon sa ating buhay. Hilingin natin sa Diyos na baguhin ang ating puso ngayong 2021 upang mas maging handa sa Kanyang mga pahiwatig ngayong kasisimulang taon.

Katulad ng mga Pantas na nagpatirapa sa harap ng Sanggol sa Belen, isuko at ialay rin nawa natin ang ating sarili sa Hari ng Mga Hari bilang pagpapahayag ng ating katapatan sa Kanya. Higit sa lahat, isabuhay nawa natin ang mensahe at ibahagi ang liwanag na tinaggap ngayong Kapaskuhan sa patuloy na pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.