Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panauayan, 2 pa umabante

0 172

Nagpasiklab agad sina John Paul Panuayan at Samuel dela Cruz nang bumanat ng mga unang panalo sa ASBC Asian Men’s & Women’s Boxing Championships Lunes sa Dubai, United Arab Emirates.

Binugbog ni Panauayan si hometown bet Majid, 5-0, sa men’s light welterweight (64kgs) category eliminations para sumulong sa Last Eight sa ‘di pa lang batid na kalaban.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dinaig ni Dela Cruz si Jeewantha Wimukthi Kumara ng Sri Lanka sa men’s lightweight(60kg) Round-of-16 din, 4-1. Bye si Mark Luster Durens sa 49kg event at makakabanatan ang isang Kuwaiti sa quarterfinals.

Inalat naman si Marvin Tabamo sa 52kg kontra Ramish ng Afghanistan, 2-3. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.