Abante Tonite Interactive

Panawagan ng isang malinis, payapa at patas na halalan

TODO-BALITA NI IDOL

By
177

Isang linggo mula ngayon, sa ika-12 ng Pebrero taong kasalukuyan, mag-uumpisa na ang kampanya para sa mga pambansang posisyon: Senador at mga Party-lists. Kaliwa’t kanan na ang mga gaganaping proclamation rallies, motorcades, debate at iba pang tipo ng pangangampanya.

Sa ngayon, mayroon tayong 63 kandidato sa pagka-senador at mayroon namang 185 party-lists na nag-aagawan ng puwesto sa Kongreso. Ngunit nabawasan na ang bilang ng mga party-lists sa 134 na lamang. Pipili lamang tayo ng 12 senador habang 60 puwesto naman ang maaaring punuan ng mga kinatawan mula sa party-lists.

Sa dami ng mga kandidatong ito, hindi din maiiwasan ang paninira sa isa’t isa. Ang lahat ng mga issue na maaa­ring ipukol sa isang kandidato ay ibabato nila para lang makabawas sa boto nito kahit wala namang malinaw na batayan.

Abante Hiring – IT dep

Gamit ang iba’t ibang porma tulad ng TV, radyo, diyaryo at mas lalong higit ang social media, mabilis na maipapakalat ang anumang issue sa isang kandidato kahit na mga fake news ang mga ito.

Nakakalungkot mang isipin pero sa katotohanan, hindi lang natatapos sa si­raan ang mga kandidato. Kadalasan, sa mga lugar na mahigpit talaga ang labanan, umaabot pa ang alitan sa patayan.

Kaya naman, pana­wagan nating lawakan ang pagtingin sa anumang isyu na lumilitaw. Sana maging mapanuri tayo sa lahat ng bagay na may kinalaman sa mga kandidato. Anumang pandarahas, paninira panggugulo ay itigil na. Sakali mang mangyari ang mga ito, mangyari lamang na i-report agad sa mga kinauukulan.

Hagad nating lahat na magkaroon ng mahusay at makataong kandidato. Panawagan natin sa lahat na magkaroon tayo ng katahimikan, kapayapaan at patas na kampanyahan para sa nalalapit na halalan. Lahat ng ito ay magagawa natin dahil sa NAGKAKAISANG CAVITE, WALANG IMPOSIBLE!

At kung magagawa natin ito sa Cavite, ka­yang-kaya din natin ito gawin sa buong bansa. Dahil Pinoy, ikaw ang IDOL ko!