Abante Tonite Interactive

Panay ang puri sa anak na ‘di kagandahan

309

KAPITBAHAY MO, I-BLIND ITEM MO

Hello po sa inyong lahat diyan. Iba talaga ang ina kapag sumuporta sa anak. Tulad ng isang kapitbahay ko na super duper kung ipa­kita ang paghanga sa kanyang anak na babae.

Para ngang beauty product kung i-promote ang anak na dalagita. Ngayon ay ipinamama­lita na nga niyang isasali niya sa Santacruzan ang iha niya.

Ilang buwan na nga raw niyang pinagha­handaan ang gayak ng anak. Lagi rin daw niyang kinukulit ang mister niya na nagtatra- baho sa Maynila para gawing espesyal ang anak nila.

Related Posts

Kahit nga sa mga beauty contest ay tala­gang pinipilit niyang isali ang dear daughter nya. Talagang sobrang pinapalakas niya ang loob ng bata na maganda ito at angat na angat sa iba.

Well, as for me, hindi naman talaga kagandahan ‘yung bata. Napakaordinaryo ng beauty niya. ‘Yung height 5’3” lang naman at hindi rin naman maputi at makinis.

But in fairness, may utak naman siya at nag-e-excel nga raw sa klase. Pero sa beauty raw ng bata siya ha­ngang-hanga. Kuhang-kuha raw nito ang ganda niya nuing dalaga pa siya. Talaga lang ha? Linda of Tandang Sora
Kung kayo ay may kakaiba, nakakagulat at nakakatawang kuwento ng inyong kapitbahay i-share dito sa Kapitbahay Mo, I-Blind Item Mo at i-email sa pssst.blind@yahoo.com at manalo ng mga sorpresang papremyo.