Abante Tonite Interactive

Panay electric workers umaray, nanganganib mawalan ng trabaho

445

Umapela ang PECO Employees and Workers Association (PECEWA) kay House Speaker Gloria Macapagal-­Arroyo.

Sa pamamagitan ng liham na ipinadala noong Setyembre 19 ngayong taon ay hinihirit ng mga manggagawa sa liderato ng Kamara na bigyan ng patas na pagtrato ang kanilang employer na Panay Electric Company, Inc. (PECO) partikular na sa renewal ng prangkisa nito.

Noong Setyembre 17 ngayong taon ay inaprubahan ng House committee on legislative franchises sa pamumuno ni Palawan Rep. Franz Alvarez ang prangkisa ng MORE Minerals Corporation (MMC) para sa eksklusibong po­wer distribution sa Iloilo City.

Nabatid na ang PECO ang kasalukuyang may prangkisa ng electric distribution sa lungsod ng Iloilo at 95 taon nang nagseserbisyo sa lugar.

Noong Hulyo 22, 2017 ay nagsumite ang PECO ng aplikasyon sa Kongreso para sa renewal ng prangkisa nito dahil mapapaso na ito pagsapit ng Enero 18, 2019.

“PECO employs many workers in order to maintain and operate the business of electric power distribution and conveyance to the end users in the City of Iloilo. Non-renewal of the PECO Franchise will automatically result to (sic) displacement of these workers whose families depend upon their continued employment with PECO,” nakasaad sa liham na ipinadala kay Speaker Arroyo.