Abante Tonite Interactive

Pandarambong ni Napoles ginawang rape sa GCTA

424

Ikinabahala ni Party-list Cong. Eric Go Yap (ACT-CIS) ang pagkakasama ng pangalan ni convicted Pork Barrel scam mastermind Janet Lim Napoles sa listahan ng mga heinous crime inmate kung saan ginawang rape ang kaso nito.

Ginawa ni Yap ang pahayag matapos ilabas noong Miyerkoles ni Senate Blue Ribbon Committee chair Richard Gordon ang nakalap nitong dokumento kung saan kabilang ang pangalan ni Napoles sa posibleng makalaya sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law sa ilalim ng Republic Act 10592.

“Noong una kong nabasa ito, akala ko fake news. Lalo tayong nangangamba baka may nangyayari nga na GCTA for sale sa BuCor,” saad ni Yap.

Sa nasabing dokumento na inilabas sa imbestigasyon ng Senado, sa kasong rape iniuugnay si Napoles at hindi sa pandarambong. (JC Cahinhinan)