Abante Tonite Interactive

Pandemic ‘di mapuksa – WHO

0 726

Ibinabala ng World Health Organization(WHO) na naging mabilis nitong mga nakalipas na araw ang pagtaas ng bilang ng mga dinapuan ng coronavirus disease 2019(COVID19).

Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, mahigit 300,000 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa tala ng WHO , umabot ng 67 araw bago na iulat ang 100,000 kaso at sumunod na naitala ang 100,000 kaso matapos ang 11 araw at apat na araw ang lumipas nang sumunod na naitala ang 100,000.

Gayunman, naniniwala si Dr. Tedros na posible pa rin na maiba ang ` trajectory’ kung makakapag adopt ng rigorous testing at contact-tracing strategies ang mga bansang apektado.

“What matters most is what we do. You can’t win a football game by defending. You have to attack as well,” ayon sa opisyal.

Sinabi ni Tedros na kinakailangan na maglunsad ng `kick out coronavirus’ campaign.

Dapat umajong manatili sa kanilang mga bahay at magpatupad ng iba pang physical-distancing measures para mapabagal ang paglaganap ng virus.

“To win, we need to attack the virus with aggressive and targeted tactics – testing every suspected case, isolating and caring for every confirmed case, and chasing and quarantining every close contact.”

Naalarma rin si Dr, Tedros dahil karamihan sa nahawa ng virus ay pawang mga health workers dahil sa kawalan ng sapat na personal protective equipment.

Ang Italy umano ang pinaka grabeng tinamaan ng virus kung saan umabot na sa 6,077 ang nasawi kung saan nakapagtala pa ng 602 nasawi sa loob lamang ng 24 na oras.

Samantala, ang Britain ay naka 0lockdown na rin at inatasan ang kanilang populasyon sa buong mundo na manatili sa kanilang mga bahay para mapigilan ang paglaganap ng virus sa Europe, Asia at North America.(Juliet de Loza-Cudia)