Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pandemya, panahon ng pagpapatawad at paghingi ng tawad!

0 112

Napapanahon ang paalala ng Ebaghelyo (Mt 18: 21- 35) ngayong ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon ukol sa pagpapatawad. Maraming aral ang ibinibigay sa atin ang pandemya katulad ng lubos na pagsuko ng sarili sa Diyos sa ‘di malinaw nating kahihinatnan sa krisis na hinaharap; nangingibabaw ang paghingi ng tawad sa Panginoon at pakikipagkasundo sa kapwa.

Saad ni Bishop Pablo David ng Kalookan, Sa covid pandemic bilga nating naramdaman ang mortality at vulnerability natin na hindi pala tayo almighty na isang microscopic virus pwede palang i-treathen ang survival ng buong human species.” Isang panawagan sa pagpapakumbaba ang pandemya, ayon sa obispo.

Puna naman ni Fr. Edgardo ‘Bing’ Arellano, Spiritual Director ng Alliance of the Two Hearts International, “Imagine how many souls go to hell without confession in this pandemic!” Mahalaga daw ang pagtatalaga ng buhay sa Diyos, paghingi ng awa at pagiging malaya sa kasalanan ngayong ‘di natin tiyak ang kinabukasan ng sangkatauhan.

Itinuro sa atin ng COVID-19 ang payak na pamumuhay; parte ng simple at mapayapang buhay ang pagpapatawad sa lahat ng nakasakit o nakagawa ng masama sa atin. Binigyang diin ni Fr. Bing ang kahalagahan ng pagsusumamo sa Poon para sa Kanyang habag ngayong pandemya, mahalagang ilubog ang sarili sa awa ng Diyos sa panahon ng krisis, aniya.

Udyok ng walang hanggang awa ng Diyos ang banal na hangaring magpatawad at humingi ng tawad sa ating mga pagkukulang. Panahon ngayon ng pagsasariwa at pagpapatibay ng pananampalataya sa Panginoon na nag-uudyok sa ating isuko ang ‘excess’ at ‘unnecessary’ baggage sa dibdib sa paraan ng muling pagkakasundo.

Dahil walang imitasyon ang habag ng Diyos, ‘di rin natin dapat pahirapan ang sarili sa hindi pagpaptawad sa mga nagkasala sa atin, patuloy na pagkimkim ng sama ng loob at hinanakit sa kapwa. Sa katunayan, itinuturing na isang sersyosong ‘responsibilidad’ ng Simbahan pagpapatawad sa kapwa.

Ngayong pandemya, sikapin nating ibahagi ang mapagpatawad na pag-ibig ng Diyos sa lahat ng nakagawa sa atin ng kasalanan. Kung nais natin manatili ang kumpiyansa sa Diyos ngayong panahaon ng pagsubok kailangan nating buksan at ihanda ang sarili sa kanyang maunawain at mapagpatawad na puso.

Sa huli, giit ng Simbahan ngayong panahon ng pandemya: “How do we know that we have accepted God’s forgiving love? Only when we can forgive others. The Lord is kind and merciful. When we realize how merciful God has been to us, we will show others the same kindness and mercy.”

Nawa makuha nating magpatawad ngayong pandemya mula sa kaibuturan ng ating puso, ihanda ang sarili sa anumang maaaring mangyari at patuloy na mabuhay sa pag-asa, sapagkat walang hanggan ang unawa at awa sa atin ng Poon!

Leave A Reply

Your email address will not be published.