Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pandi 4’ na dinampot sa SONA, laya na

0 350

Pinalaya na ang apat na babaeng miyembro ng Kadamay na inaresto matapos magprotesta sa gitna ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong July 27 sa Pandi, Bulacan.

Alas-11:30 ng umaga nitong Agosto 5, nang pawalan sina Janet Villamar, Trixie Trenuela, Marilouy Amaro at Edmylyn Gruta, pawang miyembro ng Kadamay na tinaguriang ‘Pandi 4.’

Sinabi ng Kadamay na ‘welcome’ sa kanila ang desisyon lalo’t walang basehan ang kasong isinampa laban sa mga nag-online protest.

Ayon sa grupo, wala silang ginawang ilegal, at pawang pananakot sa mga aktibista at kritiko ang nangyari.

Plano naman ng Kadamay na magsampa ng counter-charge laban sa Pandi PNP. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.