Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panelo hanga sa political will ni Sara

0 348

Bilib si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa political will umano ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kung kaya’t nais niyang tumakbo ito sa pagkapangulo sa 2022.

Ipinahayag ito ni Panelo dahil sa kanyang paniniwala na kailangan magpatuloy ang mga `accomplishment’ ng kasalukuyang administration kaya itinutulak nito ang tandem ng mag-amang Duterte.

“Kaya nga gusto natin ‘tong Mayor Sara na maging presidente kasi ang political will talaga napakahalaga. Meron siya nun e,” pahayag ni Panelo sa kanyang programa sa PTV-4.

“Biro mo, maglalanding `yong ama ni Mayor Sara dahil birthday ng asawa at bibisitahin ang anak, hindi pinayagan kasi ‘May lockdown ako dito, Papa. Hindi puwede,” dagdag pa ni Panelo. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.