Abante Tonite Interactive

Panelo kay Carpio: ‘Be a good justice’

By
0 330

Pinayuhan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo si Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio na maging isang “good justice.”

Kasunod na rin ito ng paghirang ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Associate Justice Lucas Bersamin para mamuno sa SC kapalit ng nagretirong si Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro.

Mas senior sa SC si Carpio pero isinantabi ito ng Pangulo at piniling italaga si Bersamin kapalit ni De Castro.
“My advice is do as what he is doing, be a good justice,” ayon kay Panelo.

Nang tanungin kung may pag-asa pa na maging Punong Mahistrado si Carpio, sinabi ni Panelo na habang may buhay ay mayroong pag-asa.

Una nang sinabi ni Panelo na walang kinalaman ang posisyon ni Carpio sa pinag-aagawang West Philippine Sea sa ginawang pagpili sa bagong Punong Ma­histrado ng SC.