Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panelo pinagluksa si Claire de la Fuente

0 188

Labis na ikinalungkot ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang pagpanaw ng beteranang singer at OPM icon na si Claire de la Fuente.

Pumanaw si De la Funete dahil sa cardiac arrest matapos tamaan ng COVID-19.

Inanunsyo ng kanyang anak na si Gigo de Guzman noong Martes ng umaga ang pagpanaw ng 63-anyos na singer na nakilala sa kanyang jukebox hit “Sayang”.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nakakalungkot, pero, hanggang ngayon, hindi ako makapaniwalang namatay na ‘yong kaibigan nating si Claire,” pahayag ni Panelo sa kanyang programang “Counterpoint”.

“Punong-puno ng buhay ito. Madaldal pati ito [at] maganda magkuwento ito. Pero ako, gustong-gusto ko ‘yong kanyang tinig talaga, napaka-effortless,” sabi ni Panelo.

Ayon kay De Guzman, naghintay pa ang kanyang ina sa tent sa labas ng Las Piñas Doctors Hospital para ma-admit. Kalaunan ay dinala si De la Fuente sa Pope John Paul II Hospital and Medical Center kung saan ito dineklarang patay na. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.