Abante Tonite Interactive

Panelo sa ABS-CBN: Mag-apply ng bagong prangkisa

529

Mayroong re­medyo ang ABS-CBN para makapagpatuloy ng ope­rasyon sakaling paboran ng Korte Suprema ang quo warranto petition na isinampa ng Office of the Solicitor General para bawiin ang prangkisa ng tv network.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maaaring mag-apply ng panibagong franchise ang ABS-CBN dahil hindi naman pinagbabawalan ang kompan­ya na kumuha ng panibagong prangkisa.

“If the quo warranto succeeds, ABS-CBN can apply for a new franchise. There’s nothing that would prevent the for applying again a new franchise,” ani Panelo.

Mayroong naka-pen­ding na panukalang batas sa Kongreso para sa renewal ng franchise ng ABS-CBN. (Aileen Taliping/Eileen Mencias)