Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panelo sa Dacera abogado: Huwag ipilit na may krimen

0 183

Para kay chief presidential legal counsel Salvador Panelo, dapat nang tantanan ng pamilya ni Christine Dacera ang panawagang hustisya kung wala naman umanong nangyaring krimen sa pagpanaw ng flight attendant. at maraming tao na ang nasaktan sa parehong kampo.

Sa kanyang television program, binanatan ni Panelo ang abogado at tagapagsalita ng pamilya Dacera na si Brick Reyes.
“Ano bang katarungang hinahanap mo [Reyes]?” punto ni Panelo. “Bakit n’yo ipagpipilitan na may krimen kung wala naman? Anong katarungan?”

Sabi ng Palace official, liban na lang kung may iba silang agenda, dapat sumang-ayon na ang pamilya sa ulat ng Philippine National Police (PNP) na nasawi si Dacera sa natural na mga sanhi.

“Ang ganda-ganda nga na namatay out of natural causes instead of may crime na ginawa eh. Bakit n’yo pa rin ipagpipilitang may crime?” ani Panelo.

“Kung ‘yan talaga ang sinabi ng PNP forensic experts, eh malamang– doktor ito– igalang na po natin,” saad niya pa.
Pinatunayan ng report ng Philippine National Police-Crime Laboratory Office (PNP-CLO) ang paunang finding na si Dacera ay pumanaw dahil sa ruptured aortic aneurysm. Ang flight attendant ay dumaranas din umano ng chronic hypertension. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.