Abante Tonite Interactive

Panelo sa health condition ni Duterte: Hindi na normal

1,254

Inamin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na si Pangulong Rodrigo Duterte, ang pinakamatandang nahalal na Pangulo ng bansa ay nasa ‘green of health’ matapos na aminin na marami na siyang sakit na nararamdaman sa kasalukuyan.

“Kung sasabihin mong normal, hindi siya normal kasi nga madami na ngang nararamdaman. Kung sinabi ko noon na he was in the pink of health, ngayon, I think he is now the green of health,” paliwanag nito.

Nang tanungin kung ano ang tunay na kondisyon ng Presidente, “Kung ano ‘yung sakit ng mga matatanda sa edad niya, ordinarily, he has that.

But, if you will notice, kahit na ganyan siya, may nararamdam na, ang kanyang schedule ganun pa rin hindi naman nagbabago. Not only that he’s survived, but also does it well. Trabaho pa rin,” sabi pa ni Panelo.