Abante Tonite Interactive

Paneng, PetroGazz sinunog ang Chef’s

257

Nanalasa sina Stepha­nie ‘Paneng’ Mercado at Jonah Sabete nang silaban ng PetroGazz ang Chef’s Classic, 25-15, 25-19, 25-18 sa 3rd PVL Open Conference 2019 elims Linggo ng gabi sa The Arena sa San Juan City.

Tig-11 points ang pinalo ng PG duo upang panatilihin ang Angels sa top 2 spot ng team standings sa five-game winning streak para sa 6-2 record, at pahabain ang kalbaryo ng biktima sa 0-11 sa 9-team midseason women’s indoor volleyfest.

‘Di naman sapat ang tig-9 markers nina Bien Juanillo at Nieza Viray pati ang 7 pts. ni Jinggay Bangad upang putulin sana ang losing streak ng Lady Red Spikers.­ (Aivan ­Denzel ­Episcope)