Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pang-7 salvage victim sa Laguna bumulaga

0 97

Isang na namang hinihinalang biktima ng summary execution ang natapuan sa Biñan, Laguna, Martes ng maghahatinggabi.

Ayon sa report ng Biñan City police, nadiskubre ng isang truck driver ang katawan ng lalaking biktima sa gilid ng bakanteng lote malapit sa storage facility ng Royal Cargo Inc., sa loob ng Laguna Technopark sa Barangay Mamplasan.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, nakagapos ang kamay ng biktima sa likuran at balot ng facemask ang mukha nito. May mga tama din ito ng bala sa katawan.

SM food to go Banner Ad

Wala namang nakitang anumang ID o pagkakilanlan ng biktima na nakadilaw na polo shirt at maong short pants.

Ito na ang ikapitong biktima ng salvage na nadiskubre sa Laguna sa loob ng 2 linggo.

Nitong nakaraang linggo, 3 pares ng salvage victims ang nakita sa ibat-ibang lugar sa Laguna. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.