Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pangako ng K to 12 napako

0 86

Marami ang nanawagan para sa puspusang pagsusuri sa basic education system partikular itong K to 12 program na tila hindi naman natupad ang tunay na layunin nito mula nang iimplementa ito ilang taon na ang nakakaraan.

Mukhang kailangang suriing mabuti ang curriculum lalo na ang laman ng bawat subject. Mas mainam nga siguro na ibalik ang subject na history at social studies dahil parang kulang sa kaalaman ang mga mag-aaral sa subject na ito.

Naalala ko tuloy noong mag-viral na Pinoy Big Brother (PBB) history quiz bee kung saan puro mali ang sagot ng mga teen housemates sa bawat tanong ng quiz master.

Biruin mo, hindi nila alam ang tamang sagot kung sino ang tatlong martir na pari na hinatulan ng kamatayan noong panahon ng Kastila. Imbes na Gomburza ang isagot, “MaJoHa” ang lumabas sa kanilang bibig. Nakakatawa di ba? Ano yun?

Nakakalungkot na ganyan ang maririnig mo sa mga kabataan ngayon. Kaya nga may ilang nagsusulong na ibalik ang subject na Philippine History sa second level ng basic education dahil nga nagiging mangmang ang ilang sa ating mga kabataan pagdating sa kasaysayan.

Hindi lang siguro ang curriculum ang dapat rebyuhin. Mas mainam din tingnan ang kalagayan ng mga guro. Sapat ba ang kanyang kaalaman sa asignaturang kanyang itinuturo?

May mga eskuwelahan kasi na Science mayor ang tinapos ng isang guro pero nagtuturo rin ng Filipino o di kaya’y Araling Panlipunan. Meron ding Math major pero nagtuturo rin ng Science.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinimulan ang K to 12 program noong school year 2012 na naglalayong baguhin ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Kasi ba naman, ang Pilipinas na lang may sampung taon ng basic education sa mundo kaya ipinatupad ito.

Sa ilalim ng K to 12 program, mandatory ang pagpasok ng mga bata sa kindergarten, nagkaroon din ng junior high school (grade 7-10) at senior highschool (grade 11-12).

Marami ang nagsasabing na nagkulang ang gobyerno sa paghahanda sa pagpapatupad nito. Kulang kasi ang mga libro na akma sa bagong curriculum. Paano nga naman tataas ang kailidad ng edukasyo kung pati libro ay kulang.

Isa rin sa layunin ng programa na ihanda ang mga kabataan sa pagtatrabaho. Ang sabi kasi noon ng mga author ng panukalang ito, kapag nakatapos na ng senior high, maaring nang magkatrabaho.

Pero mukhang hindi natupad ang pangakong ito. Sabi nga nila, pangakong napako. May mga kakilala ako hindi naman sila nakapagtrabaho dahil ang kinukuha ng mga kumpanya ang mga nagsipagtapos ng apat na taong kurso.

Kasi nga naman, ang skills na itinuturo sa ilalim ng programang ito ay hindi akma sa pangangailangan ng industriya.

Tanggap na nga ng pamilya na may K to 12 sa paniwalang kahit tapusin lang ang senior high school ay makakapagtrabaho.
Pero hindi iyon ang nangyari kaya dapat rebyuhing mabuti ng susunod na administrasyon ang programa para mas maging kapaki-pakinabang ito sa lahat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.