Abante Tonite Interactive

Pangako sa endo ni Digong, ipinasa sa Kongreso

By
6,192

Kahit na lagdaan ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte ang executive order (EO) upang buwagin ang labor contractualization o ‘endo’, kailangan pa rin ang batas na manggagaling sa Kongreso upang tuluyan itong maipagbawal.

Ipinaliwanag ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na sakop lamang ng EO ang pasunurin ang mga kompanya sa umiiral na batas sa paggawa.

“That draft EO has been under study in our office for quite some time. The main problem there is what people want to happen is something that the executive department is not empowered to do, we need legislative action,” diin ni Guevarra sa press briefing sa Malacañang.

“If you want something like a total ban on contractualization, you need to repeal or amend that particular provision of the Labor Code,” dagdag pa niya.

Aniya, ang EO ay sumusuporta lang sa nilalaman ng batas pero hindi ito maaaring magbawas, magdagdag o retokihin ang nilalaman ng batas.

“That’s really more for Congress to do,” ani Guevarra.

Inamin din ni Guevarra na maliit ang tsansa na maglabas ng EO sa endo.

“There’s a slim chance, but not really on the substantive side of it. Maybe it’s really more on strictly enfor­cing the existing provisions of the law,” giit pa ni Guevarra.

Ang katapusan ng endo ay ipinangako ni Pangulong Duterte sa kampanya noong 2016 presidential elections.

Noong Enero lamang inaprobahan ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukala sa security of tenure ng mga emple­yado o endo bill.