Abante Tonite Interactive

Pangako sa huling SONA, natupad ni Duterte

631

Tinupad ni Pangulong Rodrigo Rodrigo Duterte ang kanyang pangako sa huling State of the Nation Address (SONA) niya na magkakaroon ng bagong major player sa telecommunications industry sa inisyung Certificate of Public Convenience and Necessity Issuance Ceremony (CPCN) sa Malacañang kamakailan.

Personal na sinamahan si Duterte nina NTC Commissioner Gamaliel Cordoba at Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Gregorio Honasan II sa pagkakaloob ng CPCN kay MISLATEL Chairman Dennis Uy.

“President Duterte’s third telco initiative coupled with the implementation of the mandatory unlocking of phones, the mobile number portabi­lity act, the implementation of the Common Tower Policy, the remo­val of text and call interconnection charges, and the implementation of the National Broadband Plan will greatly benefit the Filipino consumer,” sabi ni Cordoba sa kanyang talumpati.

Idinagdag ni Cordoba na natupad din ang pangako sa SONA ni Duterte na magkakaroon ng ikatlong telco sa industriyang pinoprotektahan ng duopoly para matiyak ang pagpasok ng MISLATEL na magkakaloob ng mabilis na internet services sa abot-kayang presyo.