Abante Tonite Interactive

Pangakong napako

291

Ano ba ang panga­ko ng Rice Tariffication Law? Ang pangu­nahing adhikain ng batas ay mapababa ang presyo ng commercial rice sa P27 kada kilo, kaparehong presyo na itinatakda ng NFA rice. Talagang mura ang presyo ng imported rice na ang landed cost ay P15 to P19 kada kilo.

Ang tanong: at any given time ba, ­meron kang makikitang ­bigas na ang halaga ay P27 kada kilo? O maghahanap ka pa? Ang presyo ng avai­lable commercial rice ay nasa P34 hanggang P45 pa rin. Magmula nang maipasa ang batas noong nakaraang Pebrero, napakabagal ng epekto ng batas sa pagbaba ng presyo ng bigas.

Isa pang tanong: ‘yun bang P10 bil­yong malilikom na pondo sa pagpapataw ng buwis sa imported na bigas ay naibigay na sa ating mga magsasaka? Maliban sa P5,000 financial assistance sa bawat magsasaka (hindi pa lahat nabibigyan) nagkaroon na ba ng mekanismo para matulungan ang mga magsasaka na i-develop ang kanilang mga farming method para makaagapay sa world standards at makaani nang mas maganda? Ang ba­lita, nasa P3 bilyon pa lamang, sa P10 bilyong pangako ang naitulong sa mga magsasaka. Anong petsa na mga sir?

Ang pangako ng batas ay pababain sa abot kayang presyo ang bigas para sa kapakanan ng mahigit sa 100 milyong mga Pilipino. Alam natin na ikalulugi ito ng ating higit dalawang milyong magsasaka. The greatest good for the greatest number. Pero kaya tayo pumayag dahil ang pangako ng ­batas ay tutulungan ang kanilang sektor. Hindi band aid. Kailangan ay long term solutions.

Sa ngayon, puro pangmadalian ­lamang ang tulong na naibibigay ng gobyerno sa ating mga magsasaka. Hindi naman nito napababa ang presyo ng commercial rice sa pangkalahatan.

Sinuspinde na ng Pangulong Duterte ang importasyon ng bigas para mapilitang bilhin ang ani ng mga magsasakang Pilipino. Baka hindi lang suspensiyon ng importasyon ang dapat gawin? Baka ang batas ay palpak at kailangan nang repasuhin.