Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pangalawang biktima sa kaso ni Lolo Narding

0 223

Bumaha sa social media nitong ang kuwento ng pag-aresto kay Lolo Narding Flores na kinasuhan dahil sa iligal na pagpitas ng mangga sa Pangasinan para kumita, ako hindi na nagulat sa ganitong mga sitwasyon dahil tulad nga ng sinabi ng presidential candidate na si Panfilo ‘Ping’ Lacson, matagal na itong nangyayari sa mga magnanakaw na may pangangailangan.

Ang nakakalungkot lang talaga at sama-samang reaksyon ng mga netizen, 80-anyos na si Lolo Narding at mahirap ang katayuan sa buhay pagkatapos ay nakulong dahil sa maliit na halaga, habang ang mayamang politiko na magnanakaw sa kaban ng bayan ay malayang-malaya.

Pero hephep doon dahil sa ipinasa sa aking detalye, may isa pa palang biktima sa kuwentong ito, at ang salarin ay mga madlang pipol din online.

Sa nakuha kong impormasyon ay tumulong pala itong si Ping kay Lolo Narding. At sa pag-alam niya sa kaso, nalaman niyang tatlong sako ng mangga—hindi 10 kilo tulad ng unang inulat—ang kinuha ng matanda mula sa lote kung saan siya dating caretaker.

SM food to go Banner Ad

Ngayon, ang bagong katiwala sa lote na si Robert Hong ang nagreklamo sa iligal na pagkuha ni Lolo Narding ng mangga, na nagkakahalaga ng P12,000 at ibinenta sa talipapa. Wala namang mali sa ginawa niya kasi karapatan din naman ito ng may-ari ng property. Kaso lang, naging mabilis sa paghusga ang taumbayan sa social media.

Nagtatago na itong si Hong matapos pagbantaan at i-bash ng mga blogger at netizen dahil sa pagpapakulong umano sa pobreng si Lolo Narding. Dahil dito, apektado ang trabaho niya bilang truck driver, kaya bawas din ang pera para sa pamilya.

Mismong si Ping ang nagpahanap kay Hong para matulungan na malinis ang kanyang pangalan at magkaroon ng hustisya sa pangyayaring ito na siya pa ang napasama sa mata ng publiko. Hustisya rin ang hiling ng pamilya niya para sa kanilang ama na hinusgahan kahit wala namang kasalanan.

Sa pangyayaring ito, tama ang sinabi ni Ping na alamin muna ang bawat detalye bago gumawa ng desisyon. At siyempre magagawa ito kung magpapa-interview ka para malaman ang sinasabi mong side ng iyong kuwento.

Leave A Reply

Your email address will not be published.