Abante Tonite Interactive

Pangalawang plebisito para sa BOL mapayapa

158

Walang naiulat na malaking kaguluhan ang naging ikala­wang yugto ng plebisito sa ilang bahagi ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa kabila ng mga naging pagsabog sa Lanao del Norte, isang araw bago ang botohan.

Tatlong pagsabog ang naiulat sa mga bayan ng Sultan Naga Dimaporo, Lala at Kauswagan sa nasabing lalawigan, ngunit hindi umano ito naka­apekto sa mga residente para hindi bomoto.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, wala namang naging aberya sa mga pinagdausan ng plebisito sa Lanao del Norte ma­liban sa Iligan City at 28 barangay at mga munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit at Pig­kawayan sa North Cotabato dahil ang mayorya ng mga polling precinct dito ay nakapagbukas sa tamang oras.

Karamihan umano sa 673,983 rehistradong botante ay mga senior citizen na pu­mila para makaboto.

Sa taya ng ahensiya, aabutin umano ng apat na araw bago malaman ang resulta ng plebisito.