Abante Tonite Interactive

Pangamba ng mga recruiter Mga OFW mawawalan ng trabaho sa travel ban

397

Maraming overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong at Macau ang mawawalan ng trabaho kapag hindi naresolba hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan ang temporary travel ban at kakulangan ng mga flight na umaalis at dumara­ting sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang paliparan sa bansa.

Ayon kay Alfredo Palmiery, presidente ng Society of Hong Kong Accredited Recruiters of the Philippines (SHARP), halos 15,000 household service worker (HSW) na may mga bagong kontrata sa mga employer sa Hong Kong ay binigyan na lamang ng tatlo o dalawang linggong palugit na makipagkita sa kanilang amo.

Kabilang aniya dito ang may 10,000 HWS na nagbakasyon at mayroong balidong Overseas Employment Certificate mula sa Philippine Employment Overseas Administration (POEA) bilang balik manggagawa subalit maaaring mawalan ng trabaho kung hindi makabalik sa takdang petsa.

Sinabi pa ni Palmiery na dalawang linggong vacation leave ang ibinigay sa mga HWS ng kanilang mga amo at nakikiusap sa mga kinauukulan na mag-isyu ng exemption sa kanila para makabalik na sa trabaho sa mga nabanggit na Special Admi­nistrative Region (SAR) ng China. (Otto Osorio)

Tonite – Wendys Inhouse Ad