Abante Tonite Interactive

Pangarap ng mga senior tutuparin nina Pascual, Go

204

Kami na ang bahala!

Ganito ang nais mangyari nina College of Saint Benilde Lady Blazers rookies Gayle Pascual at Mycah Go nang pangunahan ang koponan kontra Lyceum of the Philippines University Lady Pirates, 23-25, 25-23, 23-25, 25-18, 15-7, sa NCAA Season 95 women’s indoor volleyball tournament 2020 first round eliminations Biyernes sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

“Hopefully po makarating po kami kung ano po talaga ‘yung gusto namin and ‘yung matagal na pong inaasam ng mga senior namin ngayon na sobrang deserve naman po nila,” pahayag ni Gayle tapos pumalo ng 18 points mula sa kinolektang 15 spikes.

“Sana po makuha namin [yung kampeonato],” sambit naman ni Go na umagapay ng 17 markers upang dalhin ang Lady Blazers sa 2-0 kartada, at pagulungin ang biktima sa 0-2.

Pero kahit magandang performance ang pinakita ay tiniyak ng dalawang rookie na pag-iigihan pa nila sa susunod na laban.

“Itatama po namin ‘yung mga mali po namin na nagawa ngayon, ipo-polish po namin ‘yung sa mga training po namin,” dagdag pa ni Gayle na produkto ng UST high school volley. (ADE)