Abante Tonite Interactive

Pangasinan congressman suspendido sa black sand mining

81

Pinatawan ng Sandiganbayan ng 90 araw na suspension si Pangasinan Congressman Amado Espino Jr., dahil sa black sand mining noong siya pa ang gobernador ng lalawigan.

Sa limang pahinang resolusyon na inilabas ng Sandiganbayan Sixth Division na nilagdaan nina Associate Jusice Rodolfo Ponferrada, chairman ng division, Associate Justice Oscar Herrera Jr. at Karl Miranda, kinatigan ng mosyon ng Office of the Special Prosecutors ng Office of the Ombudsman na suspendehin sa kanyang tungkulin si Espino.

Nag-ugat ang kaso ni Espino at 13 iba pa nang kasuhan ng Office of the Ombudsman ng dalawang counts ng katiwalian matapos payagan umano nito ang isang mining company na magmina ng black sand sa kanilang lalawigan noong 2011.