Abante Tonite Interactive

Pangasinan Health Office, outstanding service for the province

By
516

Pinarangalan kamakailan ang Pangasinan Health Office (PHO) bilang “outstabing service for the province.”

Sa kanyang Second State of the Province Address (SOPA), sinabi ni Pangasinan Gov. Amado “Pogi” Espino III na ang PHO ay nagkaroon ng programang I Love Pangasinan Kalusugan Karaban (ILPKK) na nakapagtalaga ng tulong medical sa 217,199 Pangasinenses sa 756 na mga liblib na bara­ngay matapos magsagawa ng mobile health cli­nic tatlong beses sa isang linggo.

Ang ILPKK ay nagbibigay ng konsultasyon ng mga medical surgery, dental service, feeding program, bakuna at vaccination para sa mga senior citizen.

Ani Espino, sa tulong ng Philippines Obstetrics and Gynecological Society (POGS) nagkaroon din ang PHO ng pregnancy and birth examination para sa mga nanay at pre-natal check-up, ultrasound at laboratory examinations.

Sa tulong ng PHO, Department of Health (DoH) at Rural Health Units (RHU), ayon kay Espino, halos umabot sa 100 percent sa probinsya ay nakapanganak sa mga hospital at nakagamit ng birthing facility.

Ang Pangasinan din ang hinirang ng DOH na outstanding public health service at ginawaran ng Champion Province for the Best LGU Implementer noong nakaraang taon.