Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pangasinan nagdoble higpit kontra biyahero sa NCR plus

0 240

Nag-isyu kahapon si Pangasinan Gov. Amado I. Espina III ng Executive Order (EO) upang iimplementa ang ‘travel restriction’ at pagbawalang bumiyahe ang mga galing National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o tinawag na ‘NCR Plus’ Bubble na ngayon ay nasa enhance community quarantine (ECQ) dahil sa pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease-19.

Sa EO number 0030-2021, ayon kay Espino III, ipinataw nila ang pagbabalik ng ‘travel restriction’ upang mapigilan ang pagpasok ng COVID-19 sa mga lugar ng NCR Plus.

“Due to the alarming increase of Covid-19 cases in the Philippines continues, with the highest single-day infections being 15,310, recorded on April 2, 2021, President Duterte approved the recommendation of the IATF-EID to extend the ECQ in the “NCR Plus” Bubble from April 5, 2021 to April 11, 2021,” ayon sa EO ni Espina III.

Ayon sa gobernadora, ang nasabing travel restriction ay magsisimula ng (Abril 5) kahapon at magtatapos sa Abril 11 depende kung hanggang kailan matatapos ang ECQ ng NCR Plus. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.