Abante Tonite Interactive

Pangasinan nasa state of calamity sa ASF

213

Nasa state of calamity na rin ang bayan ng Binmaley, Pangasinan kung saan siyam sa 34 na alagang baboy ang namatay dahil sa African Swine Fever, ayon sa Pangasinan Provincial Health Office (PPHO).

Ayon sa PPHO, tatlong barangay sa Binmaley ang nasa surveillance na kung saan siyam na baboy ang namatay sa Brgy. Linoc na nagpositibo sa ASF virus.

Sinabi ni PPHO veterinarian Jovito Tabajeros na pinagbawal na nila ang pagpasok at paglabas ng buhay na baboy sa Brgy. Linoc.

Sa ngayon, nagsasagawa ng quarantine checkpoint ang nasabing bayan para Hindi makapasok ang mga buhay na baboy.

“Ang Pangasinan ay ASF-free na noong December at for endorsement na lang kay Department of Agriculture Secretary William Dar through DA-RO1 Executive Director Lucrecio R. Alviar, Jr. for official ASF-free declaration,” ani Tabajeros. “The positive news, however, was short-lived when another ASF cases came out.” (Allan Bergonia)