Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pangasinense sinolo P51M sa 6/42 lotto

0 42

Solong napanalunan ng mananaya mula sa Pangasinan ang mahigit sa P51 milyon jackpot sa Regular Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.

Sa abiso ng inilabas ng PCSO kahapon, nakuha ng masuwerteng mananaya ang six winning numbers na 07-22-19-20-40-10 na may kabuuang premyong P51,412,148 kung saan nabili ang winning ticket sa bayan ng San Quintin sa Pangasinan.

Upang makubra naman ang premyong napanalunan, sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma sa masuwerteng mananaya na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magdala ng dalawang valid ID gayundin ang winning ticket.

Ito ang unang masuwerteng milyonaryo sa pagtaya ng Lotto ngayong buwan ng Mayo. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.