Abante Tonite Interactive

Pangil ng Azkals kakaliskisan

1,529

Sasagupain ng Philippine Azkals ang Korea Republic, China PR at Kyrgyz Republic sa Group C sa 2019 AFC Asian Cup sa United Arab Emirates. Bago rito, uupak muna sila sa AFF Suzuki Cup 2018 sa Nobyembre 8 hanggang Disyembre 15 ngayong taon.

Unang kakaliskisan ng Azkals ang Korea Republic sa Enero 7, 2019 sa Al Maktoum Stadium sa Dubai bago isunod ang China PR sa Enero 11 sa Mohammad Bin Zayed Stadium sa Abu Dhabi.

Ang huli nitong laro sa group stage ay kontra sa Kyrgyz Republic sa Enero 16 sa Rashid Stadium sa Dubai.
Ito ang unang pagkakataon ng Pilipinas na makasabak sa pa­ngunahing kompetisyon sa Asia.

Nasiguro ng Pilipinas ang qualification sa final round noong Marso 27, 2018 sa itinalang 2-1 panalo sa Tajikistan na ginanap sa Rizal Memorial Stadium upang magwagi sa Group F sa kabuuang 12 puntos.

“We dreamt that one day we will have a team in AFC Asian Cup, and now it has become a reality. We are thrilled that the Philippine Men’s National Team will be participating in Asia’s most prestigious tournament for the very first time,” sabi ni PFF president Mariano V. Araneta, Jr. (Lito Oredo)