Abante Tonite Interactive

Pangilinan sinama sa Fiba Central Board

288

Ninombrahan si Manny V. Pangilinan bilang bagong miyembro ng FIBA Central Board.

Kasabay na napili ng Samahang Basketbol ng Pilipinas chairman emeritus at Gilas Pilipinas godfather si Chinese basketball great Yao Ming.

Naging 25 na lahat ang miyembro ng FIBA Central Board.

Na-appoint din si German star Dirk Nowitzki bilang bagong chairman ng Players Commission kapalit ni Vlade Divac.

Nitong Sabado sinagawa ng Central Board sa Beijing, sa final weekend ng World Cup, ang unang meeting para sa 2019-2023 term of office ng bagong liderato.

Nahalal bilang bagong president ng FIBA si Hamane Niang. Isinabay na rin ang iba’t ibang appointments para makumpleto ang Board. Si Andreas Zagklis ang bagong secretary general.

Iho-host ng Pilipinas ang susunod na edisyon ng World Cup sa 2023. (VE)