Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pangingisda sa Palawan binawal ng BFAR

0 145

Nag-umpisa na ang pagbabawal ng pangingisda sa hilagang-silangang ba­hagi ng Palawan.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nagsimula na ang closed fishing season sa Palawan noong Nobyembre 1, 2021 at tatagal ito hanggang Enero 31, 2022. Sa panahong ito, bawal manghuli ng mga galunggong at maliliit na mga isda para magkaroon sila ng pana­hong mangitlog at magparami.

Ito ang pampitong taon na nagde­deklara ang BFAR ng closed fishing season sa nasabing lugar at dumarami na anila ang huli ng mga mangingis­da dahil dito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa BFAR, lumago na sa 435 tonelada ang nahuhuling mga galung­gong sa lugar noong 2020 kumpara sa 233 tonelada noong 2015. Ang mga nahuhuli sa pamamagitan naman ng ring net ay lumago nang bahagya sa 206 tonelada nung 2020 mula sa 187 tonelada noong 2015.

Malaking bagay ang pakikipag­tulungan ng mga mangingisda at ng pamahalaan sa pag-aalaga at pagpa­parami ng yamang-dagat ng bansa, ani BFAR National Director Eduardo Gongona.

Nauna nang pinayagan ng Depart­ment of Agriculture ang pag-aangkat ng galunggong at iba pang maliliit na isda sa bansa para hindi tumaas ang presyo ng mga ito sa palengke habang closed fishing season. (Eileen Men­cias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.