Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pangingisda sa Visayas, binawal ng BFAR

0 82

Nagdeklara ng closed season ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa pangingisda ng tamban, bulaw, gumaa, balantiyong, tuloy, tabagak at hasahasa para makapangitlog ang mga isda at dumami ang mga ito.

Sabi ng BFAR, ang closed season ay nagsimula nitong Nobyembre 15 at tatagal hanggang Pebrero 15, 2021.

SM food to go Banner Ad

Ang mga lugar na sakop ng closed fishing season sa Western Visayas ay Northern Iloilo mula Barotac Nuevo, Nailao, Banate, Barotac Viejo, Ajuy, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, at Carles; bahagi ng Capiz, particular na ang Roxas City, Pilar, Pontevedra, President Roxas, at Panay; Northern Negros particular na ang EB Magalona, Victorias City, Manapla, Sagay City, Cadiz City, at Escalante City; at ang Bantayan Island.

Ayon sa BFAR, bukod sa bawal manghuli ng mga sardine, herrings at mackerel, bawal ding magbenta at bumili ng mga ito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.