Abante Tonite Interactive

Pangulong Duterte hindi nangampanya sa Marawi City

333

Hindi sinipot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang campaign rally ng PDP-Laban sa Marawi City kahapon.

Alas-tres nang hapon ang nakalagay sa official sche­dule subalit makalipas ang tatlong oras ay ipinaabot na hindi na tutuloy ang Presidente.

Wala namang ibinigay na dahilan ang Malacañang sa hindi pagsipot ng Presidente sa kampanya ng mga kandidato ng administrasyon sa Marawi City.
Sa isang panayam kay senatorial candidate Francis Tolentino, wala siyang ideya kung bakit hindi tumuloy ang Pangulo sa Marawi City.

Magkasama aniya sila sa Bacolod City noong Huwebes ng gabi at maayos naman ang kundisyon nito, patunay aniya ang madami nilang kinaing lechon sa late na hapunan.

“Hindi ko alam yung reason kasi magkasama pa kami sa Bacolod. Pero medyo late na yun eh. Hindi ko alam kung anong nangyari. So nothing to worry about. Usual naman yun eh. Dalawang beses nang nangyari yun. Meron nang isang previous event. Ang dami pa naming kinaing lechon,” ani Tolentino.

Sinabi ng dating kalihim na malakas ang ulan sa Bacolod noong Huwebes ng gabi at lahat sila ay nabasa pero hindi niya alam kung ito ang dahilan ng hindi pagtuloy ni Pangulong Duterte sa Marawi. (Aileen Taliping)