Abante Tonite Interactive

Pangulong Duterte laging pagod, walang ganang kumain

474

Pinagbabakasyon muna ng kanyang mga gabinete si Pangulong Rodrigo Duterte para makapagpahinga ng maayos.

Sa harap na rin ito ng daing ng Pangulo na paki­ramdam niya ay palagi itong napapagod.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na masyadong busy at tambak ang trabaho ng Presidente kaya pinayuhan nila ito na magbakasyon muna kahit dalawang linggo para makapagpahinga at makabawi ng lakas.

“I think he should not be spending too much time attending to all his activities at the sacrifice of his health. He’s working too hard and we told him so, Mr. President bakasyon ka naman at least two weeks. Tambak ang trabaho,” ani Panelo.

Pero agad nilinaw ng kalihim na maayos ang kalusugan ni Pangulong Duterte at ang nararamdaman lamang ay ang pagod dahil sa dami ng kanyang trabaho.

Sinabi ng kalihim na minsan ay kulang sa tulog ang Pangulo at gigising nang maaga kapag mayroong natanguang commitment, kaya nahihirapan ito.

“Wala siyang nararamdaman kundi palaging pagod. He is always moving. Kulang nga ang tulog kasi nga biglang merong morning. ‘Di ba night person siya? Tapos gagawing speaker alas-otso nang umaga. Talagang mahihirapan siya,” dagdag pa ni Panelo. (aileen taliping)