Abante Tonite Interactive

Pangulong Duterte nag-treadmill, ‘di na masakit ang likod

262

Nabawasan na ang pananakit ng likod ni Pangulong Rodrigo Duterte sanhi ng muscle spasm na naranasan nito makaraang sumemplang sa kanyang motorsiklo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na katunayan ay gumamit ng treadmill ang Presidente nitong Linggo nang hapon na indikasyong bumubuti na ang iniindang nararamdamang sakit sa likod.

Ayon kay Panelo, nakausap niya ang Presidente nitong weekend at sinabi nitong ¼ na lamang ang pananakit ng likod at nawala na aniya dati ay matinding sakit na naramdaman nito noong nasa Japan.

“The President mentioned something about his health. Because I asked him directly, ‘how’s your pain, Mr. President?’ If I am not mistaken, his response was, ‘the pain is only ¼ now, the ¾’s gone.’ And also coming from the First Lady, she said that the President had thread mill, nag-thread mill daw siya kahapon,” ani Panelo.

Matatandaang pinagmulan ng sari-sa­ring espekulasyon ang maagang pag-uwi ng Presidente mula sa Japan noong nakalipas na linggo at marami ang kumuwestiyon sa kondisyong pangkalusugan nito.

Matapos masuri ng mga doktor ay natuklasang mayroong muscle spasm ang Presidente na pinaniniwalaang epek­to nang pagkakasemplang nito sa motorsiklo, at nakadagdag sa dating unang pagkaaksidente nito sa motorsiklo. (Aileen Taliping/Prince Golez)