Abante Tonite Interactive

Pangulong Duterte napasayaw sa SEAG 2019 opening

0 310

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opisyal na pagbubukas ng 30th South East Asian (SEA) games sa seremonyang ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kasama ng Pangulo na dumalo sa opening ce­remony si Sultan of Brunei, Sultan Haji Hassanal Bolkiah.

Sinaksihan ng Pangulo at ni Bolkiah ang parada ng mga atleta mula sa mga bansang kalahok sa SEA games.

Humakot ng maraming palakpak ang Philippine team kung saan pati si Pangulong Duterte ay napaindak sa tugtog na “Manila”.

Pasado alas-8:00 nang gabi ay opisyal nang idineklara ni Pangulong Duterte ang opisyal na pagbubukas ng 30th SEA games na tatagal ng 11 araw.

“I declare open South East Asian games for the 30th time celebrating the games of South East Asia. Mabuhay kayong lahat!” anang Pangulo.

Hinangaan naman ng mg manonood ang magandang cultural presentation na nagpapakita ng kultura ng Pilipinas. (Aileen Taliping)