Abante Tonite Interactive

Pangulong Duterte takot na magkalat si Leni

307

Ang posibleng ‘pagkakalat’ ni Vice-President Leni Rodredo bilang drug czar ang dahilan kaya agad na sinibak ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.

Ayon sa Pangulo, hindi siya natatakot sa naging pahayag ng Bise Presidente na may isisiwalat itong ikagigimbal umano ng mga Pilipino sa susunod na mga araw.

Mas kinatatakutan aniya nito ay ang posibilidad na magkalat ang pangalawang Pangulo sa kampanya ng gobyerno kontra sa iigal na droga.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kapag lalong nagtagal si VP Leni sa Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) ay gagawa ito ng mga isyu at lalong malilito ang publiko.

“Ang kinatatakutan ko, magkalat siya. Kaya ako takot, the more that she stays long with ICAD, the more that she would create ­issues, and the more that people will be in a quandary. Ano ba totoo dito?” anang ­Pangulo. (Aileen ­Taliping)