Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panibagong bagyo nakaamba

0 125

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Quinta, gayunpaman patuloy na nakararanas ng pag-uulan sa ilang bahagi ng bansa dulit pa rin ng trough o buntot nito, ayon sa Phiippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

SM food to go Banner Ad

Ayon sa PAGASA lumakas pa ang bagyong Quinta bago ito nakalabas ng bansa. Patuloy umanong makakaranas ng pag uulan ang Mimaropa, Batanes,Apayao, Ilocos Norte,Occidental Mindoro Oriental Mindoro, Calabarzon, Cagayan, Isabela, Aurora, Davao Region at Surigao del Sur.

Samantala binabantayan ng Pagasa ang low pressure area na namataan sa Southern Luzon, inaasahang papasok ito sa bansa. Sa pagtataya ng Pagasa, may tiyansa na itong maging bagyo loob, papangalanan umano itong ‘Rolly’ na ika-18 bagyo na sa bansa. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.