Abante Tonite Interactive

PANIC BUTTON MALAYO PA

7

Game 2 ngayon (Smart Araneta Coliseum)
7:00 p.m. – Rain or Shine vs. SMB

Malayo pa sa bituka ng San Miguel Beer ang mag-panic, kahit naisa­han sila ng Rain or Shine 98-94 sa opener ng Oppo-PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinals.
Game 2 mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“It’s only one game. If we can comeback from 0-3 (kontra Alaska Milk sa 2015-16 season-ope­ning Philippine Cup finals), we certainly can fight back from 0-1,” giit ni Beermen coach Leo Austria.

Abante Hiring – IT dep

Inahunan ng Elasto Painters ang 18-puntos na pagkakabaon sa ope­ning stanza, naligtasan ang maagang foul trouble ni Pierre Henderson-Niles at eksplosibong 40-point, 11-rebound game ni SMB import Tyler Wilkerson.

“It gives us some advantage, I dunno if it’s gonna push us winning the series,” komento ni RoS coach Yeng Guiao.

Habang kinakapa ni Paul Lee ang dating porma galing ng knee injury, inako ni rookie Maverick Ahanmisi ang trabaho sa pasiklab ng career-best 23 points sa last three quarters para sa Painters.

Inaasahan ni Austria na ang missing link sa Game 1 na si Marcio Lassiter ay magigising para makaayuda  kina Wilkerson, June Mar Fajardo na may 23 at 13 at Alex Ca­bagnot na naka-15 points.  May 3 points sa 1 of 9 shooting lang si Lassiter noong nakaraan. (Ramil Cruz)