Abante Tonite Interactive

Paniniktik ng PNP sa mga guro pinalagan

By
163

Kinondena ng isang militanteng kongresista ang pakikialam at pag-access ng Phi­lippine National Police (PNP) sa impormasyon ng mga guro na mi­yembro ng Alliance of Concerned Teacher (ACT).

Ayon kay Anakpawis Party-list Rep. A­riel Casilao, dapat magpaha­yag ng pagtutol ang lahat ng mga educator sa bansa, kasapi man o hindi ng ACT.

Hindi aniya katanggap-tanggap ang pagtatangka ng kapulisan na panghimasukan ang impormasyon ng mga guro.

“There’s no justification on the part of the police to do such profi­ling, our educators are not criminals,” pagdidiin ni Casilao.
Ang reaksyon ng Anakpawis solon ay kaugnay ng inilabas na memorandum ng PNP na humihiling sa ilang pampublikong eskuwelahan na ibigay ang listahan ng mga mi­yembro ng ACT.

Iginiit ni Casilao na masyadong delikado na mapasakamay ng pulisya ang listahan ng mga miyembro ng ACT lalo na’t kaliwa’t kanan ang extra-judicial kil­lings (EJKs) sa bansa.

Ang pahayag din aniya ni PNP Chief Oscar Albayalde na sinibak nito ang intelligence officer na naglabas ng confidential na memo ng PNP ay kumukumpirma sa paniniktik o spying activity.

Inihayag ng Maka­bayan solon na ang pagiging makakaliwa ay hindi isang krimen. Ang pakikipaglaban aniya sa kapakanan at karapatan ng mga guro ay hindi “act of terrorism”.

“Anakpawis is cal­ling not only educators other professionals but also the people to oppose and condemn the PNP’s action to curtail our educators democratic rights,” pagtatapos ni Casilao.