Abante Tonite Interactive

Paninira kay Alden wagas

2,002

Kaarawan lang ni Alden Richards nitong nakaraang araw at sa mismong birthday niya, may isang pribadong mensahe ang aking tinanggap. Ang nilalaman nito: “Di pa rin nagbabati. Tinitira na namin si Alden kasi kawawa si Maine. Pinalilitaw niya si Maine ang masama. Binuking na namin na wala na siyang restriction sa GMA at APT sa kanila ni Maine. Siya ang may idea nung 3rd party gawin si Atay para makapagsolo siya. Nagbago si Alden mula nung gawin ang HLG. Nakalimutan na mga taong nagpasikat sa kanya. Pati sa EB bihira ng lumabas kahit free siya. Tingin niya sa sarili niya big time na siya pati sa EB kaya nagagalit si Maine. FAKE si Alden double personality siya. Ang tagal nagtitiis si Maine.”

Hindi ko alam kung bakit sa akin pinadala ang pribadong mensaheng ito. Pero parang hindi naman kapani-paniwala ang mga alegasyong nasa sa sulat. Paano naman na si Faulkerson ang may pakana sa lahat eh kung tama ang pag-aalala ko, hindi ba si Maine Mendoza ang unang nagsabi sa lahat na “love team” lang sila nito? Hindi ba si Maine ang bumasag at sumira sa inyong ilusyon?

Si Alden talaga ang may ideya kaya nakapasok si Arjo Atayde sa buhay ni Mendoza? Eh hindi ba kamakailan lang, pinangangalandakan na nito na isang taon na ang maluwalhati at maligaya nilang relasyon? Paano naisama si Alden sa equation? Wala nga kayong ebidensiya o resibong maipapakita na may “kasintahan” na ang Pambansang Bae samantalang ang Philippine Sweetheart, go for gold ang pagmamahalan kay Atayde?

At alam niyo talaga ang schedule ni Alden at inaakusahan niyo itong kahit may free time siya ‘di na ito sumisipot sa “Eat Bulaga?” Maghunos dili naman kayo sa akusasyon. Limot niyo na agad ang sakripisyo ni Richards para sa show na kahit anong puyat at pagod nito mula sa taping at shooting, pinapanood niyo pa rin siya sa “EB”? At kung sakali mang lumiliban ito, tiyak namang may permiso mula sa pamunuan.

Simula pa lamang ang taon. Huwag na tayong manira.

Mga fan ng JaDine umapela sa break-up

Literal na nagdabog ang bangs at umarko sa 7th floor ang kilay ng mga taga-hanga nina James Reid at Nadine Lustre. Pinaputok muli kasi ang balita na hiwalay na ang de-kolor at puti nina Reid at Lustre at siyempre pa, ang kanilang mga fan, umaapela sa “kasinungalingan” na ikinakalat.

Mga boys at girls scout ang mga panatiko dahil may mga ebidensiya silang inilalabas na all is well kina James at Nadine. May mga larawan silang ibinabahagi sa kanilang mga social media account para pabulaanan ang balita pero may nagsasabing luma ‘yun. Kesyo nasa Rockwell, Makati raw ang dalawa nu’ng New Year pero wala naman silang maipakitang photo na magkasama talaga.