Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paninira kay Briones ‘wa epek

0 186

Mukhang sumablay na naman ang panibagong banat kay Education Secretary Leonor Briones.

Kung inyong matatandaan, lumabas ang report kamakailan na hinihiling daw ng libo-libong public school teacher sa Pangasinan kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na si Briones dahil hindi na umano nito magampanan ang kanyang trabaho bilang DepEd chief.

Nanguna raw sa resign call, base sa report, ang tatlong district supervisor ng Dagupan City School Division Office na ayaw magpabanggit ng kanilang pangalan.

Siyempre, kung ikaw ang boss ng isang tanggapan at may mga taong gustong magpababa sayo sa puwesto, maaalarma ka rito.

Mabuti na lamang daw at bineripika muna ng DepEd kung totoong may kumukulong damdamin ng mga guro sa Pangasinan.

Ang resulta ng imbestigasyon: negative! Mismong si Education Undersecretary at spokesperson Nepomuceno Malaluan ang nagbalita na fake news daw ito.

Kung totoong higit sa 1,000 guro ang humihiling kay Pangulong Duterte na sipain si Briones, makakapa nila ito.

Related Posts

Pero sa isinagawang beripikasyon, wala ni isang guro na nagpahayag ng ganitong sentiyimento.

Inalam din ng DepEd kung totoong may tatlong district supervisor sa Dagupan City ang nagsabing incompetent at masyado nang gurang si Briones para pamunuan ang mabigat na responsibilidad, pero lumabas na wala itong katotohanan.

Sampu lang kasi ang district supervisor ng Dagupan City School Division Office kaya lahat ng ito ay kinausap ng head office. Lahat sila, tumanggi na nainterview sila na hinihiling daw nila ang ulo ni Briones.

Ang hindi lang mahanap ng DepEd ay ang dalawang school principal na nagtutulak sa pagpapatalsik umano kay Briones.

Sabi ni Malaluan, napakaraming school principal sa Pangasinan kaya napakahirap maberipika ang katotohanan sa lumabas na report.

Nagsalita rin daw ang maraming guro at pinasinungalingan ang report na nag-aabono sila sa pagpapagawa ng learning modules na pinapamahagi nila sa kanilang mga estudyante.

Naglabas pa nga raw ng statement ang PTA Federation, Public School Teachers and Employees Association, Philippine Elementary Schools Principals Association at ang National Association of Public Secondary School Heads para pasinungalingan ang naunang report laban kay Briones.

Kung ganun, mukhang may tumatrabaho para siraan ang kalihim. Mabuti na lang, hindi pumapatol sa fake news si Pangulong Duterte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.