Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paninira mas dadami bago halalan

0 151

Inaasahan ngunit nakahanda sa mas maraming pang ‘dirty tricks’ at propaganda ng mga katunggaling partido ang buong hanay nila Vice President Leni Robredo at dating senador Kiko Pangilinan habang umiinit ang kampanya at papalapit na ang araw ng eleksyon.

“Nararamdaman na ng mga kalaban ang init kaya sagad-sagarin na ang kanilang maduming propaganda para hadlangan ang pag-usad ng kampanyang Leni-Kiko,” ani senatorial aspirant Alex Lacson.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Maliwanag na ‘yan ay propaganda,” aniya. “Wala silang mahanap sa aming kandidatong si VP Leni, sa kanyang pagkatao, sa kanyang track record, kaya maghahanap ng ibang issue,” dagdag ni Lacson.

Sabi naman ng dating kongresista na si Teddy Baguilat, na kandidatong senador sa ilalim ng hanay ni Robredo, noong 2016 nagsimula ang mga “dirty tricks” at paninirang ipinupukol para ilihis ang atensyon ng publiko sa tunay na usapin.

Binigyan-diin ni Baguilat na “walang alyansa” sa pagitan ng kampo ni Robredo at mga rebeldeng komunista ngunit tiniyak niyang bukas ang susunod na pangulong Robredo na “ituloy ang usapang pangkapayapaan para bigyan pansin ang problema sa insurehensiya.” (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.