Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panis: Mag-ingat sa mga mandurugas

0 258

Payo ng sikat na mananari ng FireBird Gamefarm na si Robie Panis sa kanilang mga customer, mag-ingat sa mga manloloko sa online!

Ito’y dahil sa patuloy na paggamit ng pekeng Facebook account ng lady gaffer ng mga nanamantala sa kanilang kapwa.

Ayon nitong Linggo kay Robie, suriing mabuti ang kanyang FB at tingnan kung ilan ang followers at friends para malalaman ang tunay na account kung saan nakikipag transaksyon ang mga buyer ng FireBird Gamefarm.

“Kailangang mag-ingat mga kasabong natin sa pagpapadala ng pera, double check ninyo ‘yung account ng followers, no. of friends para malaman nila kung totoo ‘yung account,” esplika ni Robie nang maging panauhin sa Abante Radyo Tabloidista “Usapang Ruweda”.

Ang “Usapang Ruweda” ay mapapanood tuwing Linggo mula ala-1:00 nang hapon hanggang alas-2:00 nang hapon sa YouTube, Abante FB at Abante Online.

Hinirit pa ni Robie na nakakaawa ang buyers nila sa abroad dahil malaking pera ang nakukuha ng mga scammer.

“Sa panahon ngayon marami ang manloloko dahil sa maraming gipit, maraming nawalan ng trabaho kaya ‘yung iba nanloloko para makakuha ng pera,” dugtong ni Robie.

Nasa Sta. Monica Cockpit si Robie kamakailan kasama si Games and Amusements Board, (GAB) chairman Abraham Mitra para ipakita ang itsura ng sabungan sakaling payagan na ang sport ng gobyerno. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.